Precious Pages Second Hand: Heidi Cullinan and Marie Sexton -PLCD0011 Nagdesisyon si Paul Hannon na sa Tucker Springs na tumira para lang makasama ang girlfriend, pero bi.. Product #: PLCD0011 based on 0 reviews Regular price: $120.00 $120.00 In Stock

Second Hand: Heidi Cullinan and Marie Sexton -PLCD0011

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP120.00

- +

Nagdesisyon si Paul Hannon na sa Tucker Springs na tumira para lang makasama ang girlfriend, pero bigla ay hiniwalayan siya ng babae. Naiwan siyang mag-isang pinoproblema ang pagbabayad sa bahay na dapat magkasama nilang titirhan. Bahay na iniwan ng girlfriend niya na puno ng mga gamit na halos mga basura na at walang silbi. Nagpaplanong makipagbalikan sa girlfriend niya at naghahanap ng maipangreregalo rito, naligaw si Paul sa pawnshop na pag-aari ni El Rozal. Wala sa plano ni El Rozal ang pumasok sa isang relasyon, lalo na sa mga straight guy, at lalo na iyong mga naghahabol pa sa mga girlfriend na nang-iwan sa mga ito. Bumibili siya ng mga bagay na halos ibasura na ng may-ari, pero wala siyang balak dumampot ng mga lalaking itinatapon na ng dating karelasyon ng mga ito. Pero nang magsimulang ayusin ni Paul ang buhay nito at linisin ang bahay nito at ipagbili sa kanya ang halos basura nang mga gamit nito sa bahay, namalayan na lang ni El na napapalapit siya kay Paul. Walang pagkakapareho sa buhay sina El at Paul kundi mga nakaraang puno ng pasakit at kabiguan. Parang wala ring mangyayari sa kanila kung papasok sila sa isang relasyon. Pero ilang beses na bang napatunayan ni El na may silbi pa rin ang isang bagay kahit itinapon na ito ng dating may-ari? Na hindi dahil secondhand na ang isang bagay ay hindi na ito karapat-dapat mahalin.

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment