Precious Pages Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman / Love Trap By Martha Cecilia -PHRC0012 Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman “I love her so much, na nang umalis siya ay dinala niyang kasama .. Product #: PHRC0012 based on 0 reviews Regular price: $119.00 $119.00 In Stock

Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman / Love Trap By Martha Cecilia -PHRC0012

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP119.00

- +

Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman

“I love her so much, na nang umalis siya ay dinala niyang kasama ang puso ko.”
Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kanya.
“Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng Papa, Nick!” buong pait niyang sabi. “I cannot imagine that he trusted you that much!” nanunuyang dugtong niya.
Sa nanunuyang tinig din ay sumagot ang lalaki. “At hindi lang ang asyenda ang ipinagkatiwala niya sa akin! Maging ang kaisa-isa niyang anak!”
Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi pabor si Nick sa ginawa ng papa niya ay hindi siya nakaimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot nito?

Love Trap

“Sign this prenuptial agreement, Serena… Walang dahilan para mahirapan tayong pareho sa sandaling ipa-annul ko ang kasal na ito. Hindi natin kailangang maghabol sa ari-arian ng bawat isa sa atin.”
Naniniwala si Serena na higit ang pagtinging iniuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, kay Robb, whose life was made into a movie and became a big hit. Kaya walang dahilan para tumanggi si Serena sa suhestiyon ng lalaki na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda.
Mula sa inosenteng pagkukunwari, natagpuan ni Serena ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal sila—kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Pero habang lumilipas ang mga araw, natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulment? At ano ang gagawin niya ngayong dinala ni Robb sa bahay nila ang isang babae sa katauhan ni Yvette?

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment