Precious Pages PPS00110 – Of Love…and Miracles By Aya Myers PPS00110 – Of Love…and Miracles By Aya Myers “Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato an.. Product #: PPS00110 based on 0 reviews Regular price: $109.00 $109.00 In Stock

PPS00110 – Of Love…and Miracles By Aya Myers

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP109.00

- +

PPS00110 – Of Love…and Miracles
By Aya Myers

“Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako.”

“I… I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I… w-want to tell you h-how—how much I love you…”
Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay Prince. She was so scared, hysterical, and helpless. Paano ba kakausapin ang lalaking mahal mo na nag-aagaw-buhay?
Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, dahil si Prince ang nagpaalam pero siya pala ang aalis.
Natagpuan ni Johna ang sarili na nasa harap na ng isang malaanghel at nakakasilaw na babae. Binuksan nito ang dalang libro at binasa sa kanya ang mga salitang: “Your name is Johna Navales Patterson. Age: Twenty-five years old. Cause of death: Vehicular accident.”
Napaluha si Johna. Bakit ganoon? Kasisimula pa lang niyang maging maligaya sa piling ni Prince, tinapos na agad ang maikling pamamalagi niya sa mundo.
“K-kung kukunin N’yo na ako, at least… at least save Prince. Iligtas N’yo po siya. Please, God. Please…”
 

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment