Precious Pages A Quest To Forever Trilogy 3: Claiming Your Heart By Zai Red “You stole my heart but I’ll get my revenge by taking your last name.” Introvert ang writer na si E.. Product #: QTF0003 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

A Quest To Forever Trilogy 3: Claiming Your Heart By Zai Red

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +

“You stole my heart but I’ll get my revenge by taking your last name.”

Introvert ang writer na si Eris. Palagi lang siyang nasa bahay, nagsusulat ng nobela o kaya ay nagbabasa ng libro. Pero suggestion ng friends niya, baka sa paglalaro ng Pokémon GO ay ma-meet ni Eris ang “forever” niya. Hindi ba at sa ganoong paraan nakilala ng mga kaibigan ang kanya-kanyang fiancé?
Go naman si Eris. Sa gulat niya, na-addict siya sa laro.
Pero hindi “forever” ang nakita niya sa paglalaro ng Pokémon GO kundi kamalasan. Minsan sa Manila Bay, nang hindi niya nahuli ang isang Pokémon ay naibato niya ang cell phone sa inis.
Tumama ang cell phone sa mukha ni Knox dela Cerna, ang highest-paid male model ng bansa. Gusto siyang ipakulong ng lalaki dahil na-damage nga naman niya ang puhunan nito sa trabaho: ang guwapo nitong mukha.
Napakiusapan naman niya si Knox na huwag siyang ipakulong. Instead, maging personal assistant na lang daw siya ng lalaki hanggang sa makahanap ito ng kapalit niya. Mas okay na iyon.
Iyon ang akala ni Eris. Mahirap palang kasama 24/7 ang isang guwapo, matangkad at sexy na lalaki. She realized that she was a girl after all, and she was falling for Knox every hour and every minute she was with him.
Akala niya, dahil palagi silang magkasama, baka sakaling ma-fall din si Knox sa kanya. Again, mali na naman siya ng akala. Dahil si Knox ay mukhang in love pa rin sa ex-girlfriend nito na isa ring model.
Introvert versus model para sa puso ni Knox. Round 1 pa lang ay mukhang talo na si Eris…

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment