Kayla Caliente My Ghostly Love Story by Kayla Caliente “Akala ko nakalimutan na kita. But one look at you and I am back to square one. I am back to being d.. Product #: PHR06234 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

My Ghostly Love Story by Kayla Caliente

Brand: Kayla Caliente
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

“Akala ko nakalimutan na kita. But one look at you and I am back to square one. I am back to being deeply in love with you again…”

Writer-researcher si Xenia sa isang cable TV program. Para sa Halloween special ng programa, gustong i-feature ng producer nila ang tungkol sa nauusong tourist attraction na “Ghost Tour.” Ang assignment ni Xenia ay mag-research tungkol sa bayan ng San Cristobal na may napapabalitang ghost sightings. Dati siyang spirit questor kaya walang fear factor na hahadlang sa kanya sa paggawa ng trabaho.
Well, meron pala. Si Vince na ex niya. Sa kamalasan, pamilya pala nito ang may-ari ng haunted house na titirhan niya. Mas horrifying pa para kay Xenia ang ideyang makasalubong niya ang lalaki kesa makaharap ang isang grupo ng poltergeists.
Pero hindi lang nakasalubong ni Xenia si Vince kundi nakasama pa sa isang napaka-weird experience na sumagot sa tanong niya kung bakit hindi matahimik ang kaluluwang nagpaparamdam sa Peralta haunted house.
Pero may mas horrifying pang nangyari kay Xenia. Dahil sa pinagsaluhan nilang karanasan ni Vince, nadiskubre niya kung gaano pa rin niya kamahal ang lalaki. Ang ganda na sana ng nangyayari sa kanila, pero bigla siyang nagising sa katotohanan. Literally.

 

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment