Precious Pages Club Red: Azir (Daybreak And You) By Victoria Amor “Kung panganib ka nga, ikaw siguro ang panganib na hindi ko tatakasan…” “Ikaw ang nasa rooftop? `Yo.. Product #: PHRGR00075 based on 0 reviews Regular price: $139.00 $139.00 In Stock

Club Red: Azir (Daybreak And You) By Victoria Amor

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP139.00

- +

“Kung panganib ka nga, ikaw siguro ang panganib na hindi ko tatakasan…”

“Ikaw ang nasa rooftop? `Yong itim na pigurang tumalon at bumagsak sa ibaba?”
Tahimik na tumango si Chef Az.
Kinabahan si Abby, napasulyap sa dagger na inilapag sa kama. “A-ano ka ba talaga, Chef Az?”
Hindi sumagot ang lalaki, nagbawi ng tingin at yumuko. Mayamaya ay nakarinig si Abby ng tunog na para bang ungol ng hayop. Pag-angat ni Chef Az ng mukha ay pula na ang mga mata at may pangil na!
Nanlamig ang buong katawan ni Abby sa nakita. Dapat ay kinuha na niya ang dagger at tumakbo na palabas ng silid. Pero hindi niya ginawa. Nanatili siya sa puwesto, nakanganga habang nakatitig sa katotohanang unti-unting nalalantad.
“B-bampira ka.”
Sa isang kisapmata ay nasa harap na niya si Chef Az, sa bampirang anyo. Walang ginawa si Abby kundi pumikit at pigilan ang paghinga. At doon nagsimulang malantad ang mga lihim tungkol sa kanyang pamilya, sa lalaking magulo ang buhok at sa magkaugnay nilang tadhana…

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment