Camilla My Sunset By Camilla “Kung buhay lang ako, natitiyak ko na mas mabilis pa ang tibok ng puso ko kaysa sa `yo tuwing kasama.. Product #: PHR00010 based on 0 reviews Regular price: $139.00 $139.00 In Stock

My Sunset By Camilla

Brand: Camilla
Availability: In Stock

Price: PHP139.00

- +

“Kung buhay lang ako, natitiyak ko na mas mabilis pa ang tibok ng puso ko kaysa sa `yo tuwing kasama kita, nayayakap at nahahalikan...”

Upang bigyan ng kasagutan ang mga tanong tungkol sa kanyang pagkatao, sumali si Sunset sa Talinhaga, isang lihim na samahang itinatag para sa pag-aaral ng mga kakaibang elemento, ng mga bagay na mahirap ipaliwanag, at para sa pagkupkop ng mga taong hindi ordinaryo.
Sa Talinhaga ay nakilala niya si Manu, a man whose face looked both young and ancient. Perpekto ang kutis nito, hindi pa nagagatlaan ng panahon, hindi namamarkahan ng kapabayaan. Pero ang mga mata ni Manu ay sa isang taong nakita at naranasan na ang lahat, mga matang kasintanda na ng panahon, mga matang parang kay tagal nang nangungulila sa kung ano o kung sino.
Manu was the man for her, Sunset learned along the way. Pero sa gitna ng maraming banta sa buhay niya at ng iba pang miyembro ng Talinhaga, parang mas pinangangambahan niya ang nararamdaman kay Manu at ang kung ano ang mayroon sa pagitan nito at ni Jasmine—ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga kasamahan niya.

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment