Precious Pages Ygnacia Escondido (Hidden Ygnacia) book 4: Emma, Ang Propeta Ng Laod “Ang tagal kitang pinangarap. Magtiwala ka sa damdamin ko. Pangako, walang ibang babae kang magiging.. Product #: PHRGR00022 based on 0 reviews Regular price: $50.00 $50.00 In Stock

Ygnacia Escondido (Hidden Ygnacia) book 4: Emma, Ang Propeta Ng Laod

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP50.00

- +

“Ang tagal kitang pinangarap. Magtiwala ka sa damdamin ko. Pangako, walang ibang babae kang magiging kaagaw sa akin. Iyo lang ako basta pumayag kang maging akin.”

May kakayahan si Emma na makita ang nangyari, nangyayari, at mangyayari kaya inatasan siya sa isang misyon. Iyon ang kanyang gagamitin para mahanap ang tagapagbantay ng tore ng Amianan—si Roma. Sa kasamaang-palad, kasama niya ang pinakamayabang na prinsipe ng mga bampira, si Noah. Kahit sabihing ito ang pinakaguwapong bampira na nakilala ni Emma ay hindi siya mahuhulog dito. Babaero ito at siya naman ay pagmamay-ari na ni Gani.
Pero ang sinumpaan niyang katigasan ng damdamin ay natunaw dahil sa paglalakbay nila ni Noah. Natuklasan ni Emma na hindi lang panay kayabangan ang lalaki. Hindi lang nagbago ang kanyang pagtingin dito kundi maging ang kanyang damdamin, at handa siyang itama ang lahat para sa pagmamahal niya sa lalaki.
Ngunit isang pangitain ang pumutol sa kanyang kahibangan. Nakita niya ang nakatakdang mangyari: siya ay mananatili sa loob ng tore at si Noah ay magiging hari ng Ygnacia Escondido. Mananatiling magkahiwalay ang kanilang mga landas at wala siyang ibang pagpipilian kundi hayaang mangyari iyon.
Sapagkat lagim ang magiging kapalit oras na sinuway niya ang nakatakdang mangyari.

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment