Precious Pages Ygnacia Escondido Series 2: Inah, Ang Mandirigma Ng Abagatan “Oras na maging ka at hindi maibalik sa dati, aalagaan pa rin kita. Kahit maging ganap kang mabangis.. Product #: PHRGR00049 based on 0 reviews Regular price: $139.00 $139.00 In Stock

Ygnacia Escondido Series 2: Inah, Ang Mandirigma Ng Abagatan

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP139.00

- +

“Oras na maging ka at hindi maibalik sa dati, aalagaan pa rin kita. Kahit maging ganap kang mabangis na hayop… gagawin ko ang lahat para mapaamo kita…”

Nasira ang harang ng Ygnacia Escondido at pumutok ang pangalawang digmaan ng mga lobo at bampira kaya napilitan si Inah na bumaba ng tore para tumulong sa kanyang mga kauri. Bitbit ang kapangyarihang naisalin sa kanya ay lakas-loob na sumugod siya sa digmaan. At doon ay nakaengkuwentro niya ang isang makisig, guwapo, simpatiko ngunit ubod ng gaspang ang ugali na lobo—si Juancho Rios. Pero sa kabila ng pangit na ugali ay iniligtas pa rin siya ni Juancho mula sa kamatayan.
Batid ni Inah na hindi pa rin siya dapat magtiwala kay Juancho. Pero waring nagtatraidor ang kanyang puso tuwing parurusahan siya ni Juancho sa pamamagitan ng halik dahil sa katigasan ng kanyang puso. Napapalambot siya ng mga haplos nito… ng mga paglalambing nito. Ipinakita ni Juancho na hindi totoong masama ito dahil sa bawat paghawak nito ay mayroong kalakip na pagsuyo… waring sinasabing isa siyang espesyal na babae para dito.
Kaya naman ganoon na lamang ang galit ni Inah nang malamang pinaglalaruan lamang siya ni Juancho. Dahil hindi ito maaaring magmahal ng isang kaaway at ang kaya lamang nitong gawin ay saktan siya dahil sa pagpaslang niya sa kapatid nito…

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment