Victoria Amor Heart Hour By Victoria Amor “I love you, princess… I-unblock mo na ako sa Facebook.” Ang love story ni Sunshine, parang gasgas .. Product #: PPS00059 based on 0 reviews Regular price: $89.00 $89.00 In Stock

Heart Hour By Victoria Amor

Brand: Victoria Amor
Availability: In Stock

Price: PHP89.00

- +

“I love you, princess… I-unblock mo na ako sa Facebook.”

Ang love story ni Sunshine, parang gasgas na plot ng rom-com movie na masarap sabunutan ang leading lady kasi tanga. May na-meet siyang guy—paasang guy pala. Kinilig siya, umasa sa forever, na-fall, iniwan, umiyak, `tapos nag-move on.
Ending na dapat, `di ba? Puwedeng happy na mag-isa si Sunshine o kaya ay happy na dahil may new love. Tadtad na ng filtered photo niya ang FB, IG at Twitter na wagas ang ngiti niya at may hashtag na #HappyMe.
Pero hindi ganoon ang kuwento ni Sunshine. Iniiwan siya, nasasaktan, nagmu-move on, at binabalikan na naman—ng iisang lalaki lang. Paulit-ulit lang ang kuwento. Ang mas masaklap, laging bumabalik si lalaki sa mismong oras, araw, panahon—o kung anuman ang tawag sa sitwasyong kaunting-kaunti na lang ay naka-move on na siya. At dahil wagas din ang pagiging T ng puso niya, ang mundong naayos na sana, biglang guguho na naman!
Babalik na naman si Sunshine sa stage na: Umaasa, kinikilig, nasasaktan, iiyak, at iiwan na naman. Wala naman kasi talagang ‘sila.’ #saklapnaman
Nakakapagod, `di ba? Pero wala, eh.
Mahal niya.
Mahal talaga.
At tanga siya!

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment