Precious Pages When Destiny Meets Romance By Chelsea Parker Kung may one-sided love, meron din palang unrequited kiss. Siya lang ang lumalasap. Masaklap man, pe.. Product #: PPS00111 based on 0 reviews Regular price: $109.00 $109.00 In Stock

When Destiny Meets Romance By Chelsea Parker

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP109.00

- +

Kung may one-sided love, meron din palang unrequited kiss. Siya lang ang lumalasap. Masaklap man, pero ang mahalaga, nakahalik siya.

Bad move ang ginawa ni Dara nang ibigay niya ang cell phone number ng boyfriend niya sa brokenhearted na kaibigan.
Ngayon, siya na ang brokenhearted at ang dalawa na ang magdyowa.
Kaya sa party para sa 25th anniversary ng publishing house na pinagtatrabahuhan, sinundan ni Dara ang kanyang ex-dyowa sa tagpuang mas madilim pa sa gabi. Aaswangin niya ang ex-BF mula sa ex-friendship niya!
Pero biglang umeksena ang tadhana.
Habang isinasagawa niya ang maitim na balak, nakatisod siya ng pogi. Literally, dahil nakasalampak ang lalaki sa damuhan.
Bigla, nagsiliparan sa kalawakan ang plano niyang maging kontrabida sa love life ng iba. Ah, sariling love life na lang ang aatupagin niya!
Pero para maisakatuparan iyon, kailangan muna niyang makuha ang pangalan ng poging nilalang.
“Ako si Topacio, isang katipunero,” pakilala nito.
Goodness gracious! Nagka-crush pa yata siya sa lalaking throwback!
Isang sumpa ba iyon o sadyang may sayad lang ang poging katipunero?

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment