Kayla Caliente Hot Intruder: Marrio, The Playful Heart By Victoria Amor “Aabot tayo sa moment na patay na patay ka na sa akin at hindi ka na makakahinga nang normal kapag w.. Product #: PHR06196 based on 0 reviews Regular price: $85.00 $85.00 In Stock

Hot Intruder: Marrio, The Playful Heart By Victoria Amor

Brand: Kayla Caliente
Availability: In Stock

Price: PHP85.00

- +

“Aabot tayo sa moment na patay na patay ka na sa akin at hindi ka na makakahinga nang normal kapag wala ako.”

Stressed-out si Lemuella Mahinhinon habang sakay ng bus. Nakikita kasi niya sa isip si Kamatayan na sumasayaw ng “Trumpets” habang nag-aabang ng perfect chance para tagpasin ang kanyang leeg. Tsismis iyon sa buong angkan nila—ang maagang pagkatsugi ng mga babaeng virgin. At una siya sa pila.
Saklap, bes!
Ang matandang katabi ni Lemuella sa bus, mukhang napapanaginipan din si Kamatayan—binabangungot yata kaya ginising niya. Natuwa ang matanda na nagpatawag ng Lola Pinang. Inalok siya nito ng kakatwang trabaho. Babayaran siya ni Lola Pinang kapalit ng pagiging companion nito sa isang resort. Cold cash ang bayad kaya kahit hesitant ay pumayag si Lemuella.
Pero miyembro yata ng sindikato ang matanda at ibinenta siya sa DOM. Nagising kasi siya na may nangyayakap at nanghahalik sa kanya habang nasa ilalim ng kumot!
Itinulak niya ang “DOM,” saka lumayo. Nagulat pati kaluluwa niya nang makitang sariwa at hindi bilasang isda—este, DOM ang nasa sahig. Guwapong-guwapo, machong-macho, at ang bango-bango!
Biglang may pumasok sa isip ni Lemuella kung paano maiwawala ang virginity at makakatakas sa sumpa. Inalok niya ng one-night stand ang sariwang macho.
Ang problema, tinawag siyang “Sisa” ng impakto. Virgin din daw ito kaya pakasalan muna niya bago sila mag-do.
Lagot na si Lemuella. Nauubos na ang oras niya!

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment