Precious Pages Little Cupcakes 4: Cherry Bomb By Bridgette Marie “This feeling is long overdue. Hindi naman mag-e-expire pero napupuno na. Kailangan nang isalin.” S.. Product #: CKS0004 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

Little Cupcakes 4: Cherry Bomb By Bridgette Marie

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +

“This feeling is long overdue. Hindi naman mag-e-expire pero napupuno na. Kailangan nang isalin.”

Sa kagustuhang mabawi ang bahay na isinangla ng kanyang ama, napilitan si Gabrielle na pumayag na maging baby maker. At ang lalaking kukuha ng serbisyo niya—si Sage, ang pinakaguwapong lalaking nakilala niya.
Sage offered her money and her dream to put up a café business. Pak na pak iyon para sa isang kagaya niyang tindera sa bakery na nangangarap umasenso.
Grab na kung grab sa opportunity. Ang hindi lang inasahan ni Gabrielle ay ang mapamahal, hindi lang kay Sage, kundi pati na rin sa magiging baby nila. Sa takot na mapalayo sa baby pagkapanganak ay itinakas niya ito. Masuwerteng na-hire siya bilang apprentice baker sa Angelicious Cake Shop—kung saan ang mga kasama niya ay kapareho niyang single mom.
Inakala ni Gabby na safe na siya. Hindi pa rin pala. Bigla na lang kasing sumulpot si Sage sa cake shop!
Paano na ang anak niyang si Erin? Ito na nga lang ang mayroon siya sa pagbabagong-buhay, mukhang mawawala pa. Isipin pa lang kung paano haharapin ang galit ni Sage ay pinanginginigan na siya ng buong katawan. Pero sa kabila ng lahat, iba ang sinasabi ng kanyang puso—ang kagustuhang makasama si Sage ano pa man ang parusang ibibigay nito sa kanya…

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment