Precious Pages Love Revolution 2: Nerii, The Timid Fairy By Wendy Shaw “Ang sarap marinig na mahal mo rin ako. Wala nang kasintaas ang self-confidence ko ngayon dahil sa s.. Product #: LRS0002 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

Love Revolution 2: Nerii, The Timid Fairy By Wendy Shaw

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +

“Ang sarap marinig na mahal mo rin ako. Wala nang kasintaas ang self-confidence ko ngayon dahil sa sinabi mo.”
Nasanay si Nerii na laging nandiyan ang kanyang kababatang si Holder tuwing kailangan niya. Pero nagdesisyon siyang patigilin si Holder nang ma-realize na masyado na itong naaabala at kailangan na rin niyang mag-mature.
She was starting to get used to and actually doing a good job at not being dependent from Holder, when one confession at Hendrix International University or HIU Confessions changed everything.
Confession #2000
ALMOST THERE
To the admin of this page, hindi ko alam kung bakit ko pinatulan itong page mo. Kung bakit ako nag-confess dito. Pero siguro, ito ang paraan para naman kahit paano, mailabas ko ang nararamdaman ko. Mula nang makilala ko ang babaeng iyon, minahal ko na siya. Hindi ka maniniwala pero para sa akin, siya ang pinakamahalagang babae sa buhay ko. I’ll do anything to protect her…
Nerii instantly thought it was from Holder. After all, bata pa lang sila ay nangako na itong poprotektahan siya. Hindi naman talaga dapat lalagpas sa pagiging kaibigan ang pagtingin niya sa lalaki. Pero dahil sa confession na iyon, tinamaan siya ng malisya sa lahat ng ginagawa ni Holder. Hanggang sa tuluyan na talagang mahulog ang loob niya rito. Pero nalaman niya na hindi pala si Holder ang nag-confess. And to top it all, nakita niya si Holder na may ibang babaeng ka-date.
Kanino siya ngayon hihingi ng tulong at proteksiyon, kung si Holder mismo ang problema niya?

 

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment