Precious Pages Love Revolution 4: CC, Not Your Ordinary Fairy By Wendy Shaw “I’m offering myself and my feelings to you. That’s all I want—to be a significant part of your life.. Product #: LRS0004 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

Love Revolution 4: CC, Not Your Ordinary Fairy By Wendy Shaw

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +

“I’m offering myself and my feelings to you. That’s all I want—to be a significant part of your life.”

Para kay CC, malaki ang naging kasalanan sa kanya ni Red noong mga bata pa sila. Kaya nang makita niya itong muli sa university at makasama sa sikat na Hendrix International Dance group, lagi niyang sinusungitan ang lalaki. Pero mukhang immune naman si Red sa bawat pagtataray niya. At madalas pa, kung nasaan siya ay bigla na lang itong sumusulpot at nagpapapansin sa kanya.
Until one day, biglang naging viral ang nakunang video ng sabay nilang pagsasayaw sa isang mall na parang isa silang sweet couple. Kasabay niyon ay ang pagkakabuo ng “love team” nila online. At ang mas nakakagulat, si Red pa mismo ang nagsabi na gawin nilang totoo ang pagiging magka-“love team” para sa kasiyahan ng mga “fans” nila.
Sa hindi malamang dahilan, pumayag si CC at bigla ring lihim na kinilig. Nabuhay kasi ang pagkakaroon niya ng crush kay Red noong mga bata pa sila. Naging malapit sila noon at nagkaroon ng mutual understanding.
Masaya na sana si CC dahil nawala na nang tuluyan ang inis niya sa lalaki. Ang kulang na lang ay ang aminin nila ang nararamdaman sa isa’t isa. Pero mukhang kailangang tanggapin ni CC na baka hanggang “love team” lang sa paningin ng ibang tao ang nababagay sa kanila. Dahil nang minsang nagmalasakit siya sa problema ni Red, sinabihan siya ng lalaki na hindi siya naging bahagi ng buhay nito kailanman.

 

Book
Author Wendy Shaw
There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment