Precious Pages Melodies And Romance 8: Ikaw By Kimberly Lace “Bakit ko pa ikakaila kung obvious naman na attracted ako sa `yo?” Masakit ang naiiwan, lalo na sa .. Product #: MAR0008 based on 0 reviews Regular price: $89.00 $89.00 In Stock

Melodies And Romance 8: Ikaw By Kimberly Lace

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP89.00

- +

“Bakit ko pa ikakaila kung obvious naman na attracted ako sa `yo?”

Masakit ang naiiwan, lalo na sa kaso ni Gail. Ilang tao na ba na naging bahagi ng buhay niya ang nang-iwan sa kanya? Lagi na lang siyang second choice, or not good enough at all. Quotang-quota na siya kaya gusto muna niyang i-enjoy ang pagiging single at ayaw pa niyang magkaroon na naman ng panibagong heartache.
Hanggang sa makilala niya si Lt. MacArthur Crisologo, ang playboy na makulit sa pagsasabi ng pagkagusto sa kanya. Inamin niya kay Mac na hindi siya naghahanap ng panibagong “sakit ng ulo.” Pero mapilit ang lalaki. Hihintayin daw siya nito.
Hindi naman akalain ni Gail na magiging masaya pala siya tuwing kasama si Mac. Hindi niya namalayan na unti-unti nang naniniwala ang kanyang puso na iba nga si Mac sa mga lalaking dumaan sa buhay niya. Na mananatili ito sa tabi niya, na hindi siya idi-disappoint at sasaktan sa kabila ng reputasyon nito sa mga babae.
Na-realize ni Gail, mukhang si Mac na nga ang `ika nga sa kantang “Ikaw,” ang pag-ibig na hinintay, ang pag-ibig na ibinigay ng Maykapal sa kanya.
Pero dahil sa isang pangyayari, mukhang tulad din si Mac ng iba na iiwan din siya… habambuhay.

Book
Author Kimberly Lace
There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment