Precious Pages Paradise View 4: Szade, The Outgoing Type By Gazchela Aerienne “Dalawang bagay lang naman ang dahilan kung bakit nandito ako. It's either you'll be my wife, or I'l.. Product #: PVS0004 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

Paradise View 4: Szade, The Outgoing Type By Gazchela Aerienne

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +

“Dalawang bagay lang naman ang dahilan kung bakit nandito ako. It's either you'll be my wife, or I'll be your husband. Sige, mamili ka na lang sa dalawa.”

Kung kailan malapit nang makamit ni Sugar Ashley ang pinapangarap na makasali sa figure skating competition sa Olympics, saka pa na-injure ang kanan niyang binti. Kung mauulit daw ang aksidente, posibleng hindi na siya makalakad. Dahil sa frustration, ipinayo ng kanyang ina na magbakasyon siya sa Pilipinas. So she did, para lang pagdating doon ay mabuwisit sa nakilalang lalaki: si Szade Carzon, ang happy-go-lucky guy na part-owner ng Paradise View.
Kahit saan magpunta si Sugar Ashley, laging nakasunod si Szade, pinakikialaman ang activities niya. Lalo pa itong naglalapit sa kanya nang malamang siya ang batang babae na inihatid nito pauwi sa bahay nila seventeen years ago. Na-miss daw siya ng hinayupak at gustong balikan ang nakaraan.
Dahil sa dalas nilang magkasama, nagising na lang isang araw si Sugar Ashley na ayaw na ring umalis sa tabi ni Szade. Kaya niyang iwan ang lahat para dito, pati na ang chance na matupad ang sariling pangarap. Pero si Szade, ano ang kaya nitong iwan para sa kanya? Kaya ba nitong i-give up ang sariling kalayaan at manatili habang-buhay sa isang relasyon? Alam ni Sugar Ashley na kapag nagsawa na si Szade, iiwan na lang siya basta.
Handa ba siyang sumugal sa isang relasyong may expiration?

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment