Sonia Francesca Stallion Series 13: Zell Zapanta by Sonia Francesca "I already have you. Bakit pa ako maghahanap ng iba?" Masayang pinakikinggan ni Dominique ang usapa.. Product #: STA00013 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

Stallion Series 13: Zell Zapanta by Sonia Francesca

Brand: Sonia Francesca
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +

"I already have you. Bakit pa ako maghahanap ng iba?"

Masayang pinakikinggan ni Dominique ang usapan ng mga Stallion Riding Club members habang namimili ang mga ito ng makaka-date ng mananalo sa promo ng Stallion shampoo. Pero ang mas nakapukaw sa atensiyon niya ay ang nag-iisang si Zell Zapanta.

"I'm volunteering. I need as much exposure as I can para maging pamilyar sa akin ang masa. Makakatulong iyon sa pagtakbo ko sa susunod na eleksiyon."

Doon na siya kumilos. Lumapit siya sa grupo ng mga ito.

"Exempted ka, Renzell," aniya. Napako sa kanya ang tingin ng lahat. "Hindi puwedeng makipag-date ang fiance ko."

"Sino ka ba?" tanong ni Zell nang tumayo at humarap ito sa kanya. "I don't even know you."

"Oo nga. Pero ikaw, kilala ko at kilala ako ng parents mo. Kaya nga engaged na tayo, eh." Ngumiti pa siya nang pagkatamis-tamis. "Dapat pala ay nagpakilala na ako noong unang araw tayong nagkita. Para hindi ka na nabibigla nang ganyan. Kaya lang kasi, gusto kitang sorpresahin. Kaya... surprise!"

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment