Cady Lorenzana The Present 3: Going The Distance By Cady Lorenzana “Let’s not count how many miles away we are from each other. Let’s just count how much love we have... Product #: PRS0003 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

The Present 3: Going The Distance By Cady Lorenzana

Brand: Cady Lorenzana
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +

“Let’s not count how many miles away we are from each other. Let’s just count how much love we have.”

Isang sorpresa ang ginawang pag-uwi ni Linette sa Pilipinas mula sa limang taong pagtatrabaho sa Canada bilang nurse. Pero hindi niya akalain na mas masosorpresa pala siya sa biglaang pag-uwi. Naaksidente ang longtime boyfriend niyang si Lawrence nang gumuho ang pinagtatrabahuhan nitong mining site sa Baguio. Ang masakit pa, nagkaroon ng selective amnesia ang lalaki. Lahat ng may kaugnayan sa kanya at sa kanilang pagmamahalan ay nakalimutan nito.
Pero sa kabila niyon, ginawa ni Linette ang lahat para maipaalala ang relasyon nila at kung gaano niya kamahal ang boyfriend. Sinikap naman ni Lawrence na unti-unting tanggapin na napakalaking bahagi siya ng buhay nito. Masaya na kahit paano si Linette sa ganoong sitwasyon. Basta magkasama sila ng boyfriend na matagal niyang pinangarap na muling mangyari. Pero panandalian lang pala ang kaligayahang iyon. Dahil biglang dumating ang taong dahilan kung bakit sa dinami-rami ng tao ay siya ang nakalimutan ni Lawrence nang magka-amnesia ito.

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment