Dawn Igloria Wanderlust Batch 2- Palawan Sands 1: Haplos By Dawn Igloria “Binigyan mo ako ng lakas ng loob para umasang kahit makita mong maraming hindi dapat mahalin sa aki.. Product #: WAP0001 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

Wanderlust Batch 2- Palawan Sands 1: Haplos By Dawn Igloria

Brand: Dawn Igloria
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +

“Binigyan mo ako ng lakas ng loob para umasang kahit makita mong maraming hindi dapat mahalin sa akin… makakaya `yong takpan at palampasin ng pagmamahal mo.”

Isang art photographer si Zaira. Laging T-shirts, ripped jeans, sneakers, at jackets ang getup niya dahil sa pagiging wanderlust. Kapag nag-ayos at nagpaganda kasi siya, siguradong may isang lalaki siyang maaakit at may isang babaeng maha-heartbroken.
Talo pa niya ang nasa ilalim ng isang sumpa. At dahil doon, tumigil na siyang umasa na kagaya sa isang fairy tale ay darating din ang kanyang Prince Charming.
Pero mukhang kailangan lang na maiba ang setting para maputol ang sumpa. Nang mapadpad siya sa Palawan, unti-unting nagkahugis ang love life niya at ang kanyang Prince Charming—sa katauhan ng guwapong si Doc Dale.
Sa loob ng maikling panahong nakasama ni Zaira ang lalaki sa Palawan, naranasan niya ang feeling na tinatawag nilang parang nasa cloud nine.
Pero pinagdududahan niya kung may happy ever after sila ni Dale. Kailangan kasi niyang tanggihan ang marriage proposal ng binata dahil sa mga sekretong hindi pa niya naipagtatapat dito.

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment