Precious Pages Writer's Block Series 3 - Tagpuan By Dawn Igloria “Mahal kita. Walang dahilan. Hindi sinadya. Walang kasi o dahil. Basta mahal lang kita.” Isang araw.. Product #: WBS0003 based on 0 reviews Regular price: $59.00 $59.00 In Stock

Writer's Block Series 3 - Tagpuan By Dawn Igloria

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP59.00

- +

“Mahal kita. Walang dahilan. Hindi sinadya. Walang kasi o dahil. Basta mahal lang kita.”

Isang araw, bigla na lang sumulpot sa Tagpuan ang Palanca awardee na si Gilbert. Ito raw ang nakatakdang magsulat ng kuwento ni Señora Alegria—ang matandang proprietress ng day resort. Wala sanang pakialam si Nyckah sa guwapong writer. Hindi pa siya handang mag-move on sa kanyang great love na namatay. Pero habang isinusulat ni Gilbert ang life story ni Señora Alegria, mukhang mas eager ang lalaki na maisulat ang love story ni Nyckah. At ito ang self-appointed hero.

Pero hindi papayag si Nyckah. Katwiran niya, malabo ang future nila ni Gilbert. Magkaiba sila ng mundo. Wala siyang balak na maging tagaaliw lang ni Gilbert. Pagkatapos ng isinusulat nito, babalik din ang lalaki sa Maynila.

Habang nagiging magulo ang mga kuwento ni Señora Alegria, nagugulo naman ang puso ni Nyckah. Mahirap iwasan na mahulog sa isang man-of-the-world na tulad ni Gilbert. Pero itinaboy pa rin niya ito. Kaya lang, nang makita naman niyang nakikipaglampungan si Gilbert sa “kaibigan” nitong si Ariane, ganoon na lang ang selos niya. Isang malaking threat ang tingin niya sa babae. Sabi ng puso ni Nyckah, “go get your man” pero sinasalungat naman iyon ng kanyang isip. Ano na ang susundin niya?

 

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment