Precious Pages A Brand-New Christmas For Luis By Jasmine Esperanza “I’m moving on. I want to love someone else. And I want it to be you.” Buwisit na buwisit si Luis k.. Product #: PHR06177 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

A Brand-New Christmas For Luis By Jasmine Esperanza

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

“I’m moving on. I want to love someone else. And I want it to be you.”

Buwisit na buwisit si Luis kay Grace, ang bago niyang sekretarya. Ang arte-arte nito. At kung manamit, ang iksi-iksi. Kung hindi naka-off shoulder at de-tirante lang ang suot na pang-itaas, ang igsi-igsi naman ng palda. Parang nagbibilad ng katawan tuwing pumapasok sa opisina. At hindi lang iyon. Palagi pa niya itong nahuhuli na hawak ang cell phone. Wala na nga itong ginawa kundi mag-selfie sa loob ng opisina niya, mukhang tuwang-tuwa pang tawagin siyang “Lui” na parang close sila. Kung hindi lang presidente ng kompanya ang nagpasok kay Grace, matagal na niya itong sinesante.
Pero mas naiinis si Luis sa sarili. Naaapektuhan kasi siya sa ganda at kinis ng balat ni Grace. Kapag hindi ito nakatingin, hindi niya maiwasang tumingin sa magaganda nitong legs at makikinis na balikat.
Man! Gustong dukutin ni Luis ang sariling mga mata. Kailan pa siya naging pervert?
Pero isang araw, nagtaka siya nang hindi makita si Grace sa opisina. Hanggang sa lumipas na ang ilang araw at linggo, wala pa rin ito. Dapat matuwa siya. Wala na siyang kinaiinisan. Pero bakit kung makaasta siya, parang mister na hindi inuwian ng asawa?
Na-karma na yata si Luis. Bigla niyang na-miss si Grace. Hindi na siya sanay na hindi ito nakikita. Hindi siya mapakali at hindi makapag-concentrate sa trabaho.
Nang itanong niya sa big boss kung ano ang nangyari kay Grace, hindi raw nito alam.
Nagdesisyon si Luis na hanapin si Grace. Pero nang mahanap niya, may nalaman siyang dahilan kung bakit hindi niya ito puwedeng mahalin…

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment