Kayla Caliente Catalina, My Island Girl By Amanda “I want you to like me. If that wasn’t too much to ask…” Muntik nang may masagasaan si Craig habang.. Product #: PHR06197 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

Catalina, My Island Girl By Amanda

Brand: Kayla Caliente
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

“I want you to like me. If that wasn’t too much to ask…”

Muntik nang may masagasaan si Craig habang sakay ng pag-aaring fast craft. Ang kanyang biktima: isang napakaganda pero ubod ng taray na island girl na kasalukuyang lumalangoy nang dumaan ang fast craft.
Naisip ni Craig na humingi ng tawad sa babae at para na rin alamin ang pangalan nito. Kaya pinuntahan niya ang isla kung saan ito nakatira. Pero hindi lang pagtataray ang inabot niya sa paglapit dito. Nakisali pa ang lolo ng babae na kulang na lang ay tagain siya nang malaman ang atraso niya.
Pero sadyang iba ang ganda ng babae para kay Craig kaya inalam niya ang lahat tungkol dito. Nalaman niyang Catalina ang pangalan ng babae. Aside from that, he learned that Catalina’s mother, Victoria, died of a broken heart. Kaya ganoon na lang ka-overprotective ang lolo’t lola nito. Ayaw na kasi ng mga ito na maulit sa apo ang dinanas ng anak na si Victoria. Dahil doon, hindi alam ni Craig kung paano lalapitan si Catalina. Higit sa lahat, ang mga tulad niya ang pinakaayaw ng matatanda: isang seaman.

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment