Precious Pages Friend, Mahal Kita By Asia Nolan “The more na gusto kong alisin ang pagmamahal ko sa `yo, the more na nasasaktan ako.” Friends. Ever.. Product #: PHR06104 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

Friend, Mahal Kita By Asia Nolan

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +

“The more na gusto kong alisin ang pagmamahal ko sa `yo, the more na nasasaktan ako.”

Friends. Ever since, iyon lang ang relasyon nina Ice at Firo sa isa’t isa. May kanya-kanya kasi silang karelasyon. At silang dalawa rin ang nagdamayan nang makipaghiwalay sa kanila ang mga karelasyon nila. Pareho naman silang naka-move on.
Pero dumating sa puntong hindi lang pala shoulder to cry on si Firo kay Ice. Boyfriend din. Inimbitahan kasi si Ice ng kuya niya na magbakasyon sa probinsiya. Okay lang iyon. Ang siste, isasama raw ng kuya niya ang best friend nito—na nalaman niyang ang ex niya pala. Ang malala, isasama ng ex niya ang bagong girlfriend—ang ex ni Firo.
Ayaw ni Ice na magmukhang tanga sa bakasyong iyon kaya isinama niya si Firo at pinagpanggap na boyfriend. Agad itong pumayag. Ipamumukha raw ni Firo sa ex na hindi kawalan ang babae. Ganoon din ang intensiyon ni Ice sa ex niya.
Pero nang nandoon na sila, ang dami nang nangyari at ang daming hindi dapat mangyari.
Wala sa usapan nila na makikipagbalikan si Firo sa ex nito. Wala rin sa usapan na mahuhulog ang loob ni Ice sa kaibigan.
 
 

 

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment