Precious Pages Hooked On Meleena By Sheena Rose “Masyado kang maganda para maging single. I’m volunteering to keep you company—for a lifetime.” Nan.. Product #: PHR06108 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

Hooked On Meleena By Sheena Rose

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

“Masyado kang maganda para maging single. I’m volunteering to keep you company—for a lifetime.”

Nang ayusin ni Seb ang mga halaman sa pag-aaring preschool, hindi niya inakala na mapagkakamalan siyang “hot gardener” ng mga teacher doon. Kasama na roon ang supladang teacher na si Meleena.
Hindi na niya itinama ang maling paniniwala ni Meleena. Sawa na kasi si Seb na nakikita siya ng mga babae bilang isang “ideal man.” Bakit naman hindi? Bukod sa guwapo at may magandang katawan ay mayaman din siya. Gustong malaman ni Seb kung masusungkit niya ang mailap na puso ng babae kahit iniisip nitong simpleng lalaki lang siya.
Pero hopeless yata siya pagdating kay Meleena. Kung bakit kasi, kahit halata namang attracted din ito sa kanya ay pinipilit nito ang sarili na layuan siya.
“Iba na lang kasi ang kulitin mo. Wala akong balak na mag-boyfriend o mag-asawa,” sabi pa ni Meleena.
No! Hindi papayag si Seb na mangyari iyon. Hindi siya titigil hangga’t hindi ito napapasuko.
Pero hindi na yata mangyayari iyon. Dahil nang malaman ni Meleena kung sino siya, nagalit ito.
“Hindi ka na dapat pagkatiwalaan pa. Kaya kung puwede lang, tantanan mo na ako, Seb. Ayoko nang makita ka kahit kailan.”

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment