Precious Pages I Fell In Love With The Baby Daddy By Mia Salonga Idinaan niya sa halik ang lahat ng hindi masabi ng bibig. Sa mata ng marami, si Nadya ang best repr.. Product #: PHR06125 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

I Fell In Love With The Baby Daddy By Mia Salonga

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

Idinaan niya sa halik ang lahat ng hindi masabi ng bibig.

Sa mata ng marami, si Nadya ang best representation ng isang modern woman—strong, independent, successful. She had been enjoying her life until her thirty-second birthday came. Na-realize niyang gusto niyang magkaanak. Ang problema lang, ayaw niyang mag-asawa.
Tinalikuran kasi niya ang pag-ibig dahil sa matinding trauma na inabot ng kanyang puso nang unang beses siyang nagmahal.
Pero gusto talaga ni Nadya na magkaanak kaya naisip niyang sumailalim sa in vitro fertilization. Kumontra agad ang best friend niya. Bakit daw hindi na lang siya magpabuntis the natural way sa scorching hot and gorgeous friend nilang si Levine. Masisiguro pa niya na hindi lang healthy kundi guwapo pa ang magiging baby niya.
Tinanong ni Nadya si Levine at gulat na gulat siya nang agad itong pumayag.
Pero tinraidor si Nadya ng sariling puso nang matagpuan ang sariling binabali ang walang personalan at no commitment rules na siya pa mismo ang gumawa. Na-realize kasi niya na si Levine ay hindi pala ang playboy at happy-go-lucky guy na inakala niya sa loob ng fifteen years ng kanilang pagkakaibigan. Na puwede rin pala itong maging isang mapagmahal, maalaga at responsableng partner at ama.
Pero nang sa wakas ay at muling binuksan ni Nadya ang nakakandadong puso, may nadiskubre siyang nakapagdulot ng mas matinding trauma na ni minsan ay hindi niya naisip na mararanasan uli…

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment