Precious Pages Love Search By Kayla Caliente “Nakakawala naman talaga sa sarili ang magmahal ng isang katulad mo. You are so unreachable. But eve.. Product #: PHR06107 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

Love Search By Kayla Caliente

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

“Nakakawala naman talaga sa sarili ang magmahal ng isang katulad mo. You are so unreachable. But even if I know that, I couldn’t stop what I am feeling.”

Joey at Zoey. Pangalan pa lang nila, tunog-magka-destiny na. Kaya masisisi ba si Zoey kung never say die ang paniniwala na si Joey ang makaka-forever niya? At masisisi rin ba siya kung hindi siya maka-move on nang mag-break sila?
Para-paraan lang iyan, sabi nila. At ang paraan ni Zoey, ang subukang dugtungan ang kahapon nila ni Joey. Who knows, right? Kaya hinanap niya ang ex sa FB at nagpadala rito ng friend request.
Ang saya niya nang i-accept iyon ni Joey, lalo na nang maging maganda ang palitan nila ng messages. Ilang PM pa lang, nangangamoy-forever na sila. Pero buwisit lang. Hindi pala si Joey ang nag-accept ng friend request niya kundi ang kaibigan nitong si Alaine.
Puwede na rin. Nangako naman si Alaine na tutulungan siya na maging close uli sila ni Joey. Pero teka… Bakit parang kay Alaine na siya nagkakagusto? At sa tingin niya, may future sila. Hanggang sa marinig niya mismo mula sa bibig ni Alaine ang mga salitang tumapos sa pananaginip niya nang gising.

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment