Precious Pages Nakakabaliw, Nakakamatay By Tricia Kye “Sa puso ko, ligtas ka.” Perfect ang buhay ni Harmony—mula sa pamilya, trabaho, at pati love life. .. Product #: PHR06128 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

Nakakabaliw, Nakakamatay By Tricia Kye

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

“Sa puso ko, ligtas ka.”

Perfect ang buhay ni Harmony—mula sa pamilya, trabaho, at pati love life. Pero nagbago iyon nang iwan siya ng kanyang boyfriend para sa ibang babae.
Buong buhay niya, minsan lang siyang nagpakawala at nagpakalasing para sandaling makalimutan ang pagiging brokenhearted. Pero noon din niya nakilala ang lalaking magiging daan para muling tumibok ang kanyang puso.
Si Ryan Mendez. Nakilala ito ni Harmony sa kakatwang paraan. Sumakay siya sa taksing sinasakyan nito. Dahil lasing siya at hindi alam kung saan siya dadalhin, dinala siya ng lalaki sa bahay nito.
Doon nagsimulang maranasan ni Harmony ang isang uri ng pag-ibig—pag-ibig na makulit, magulo, at complicated—sa piling ni Ryan. Natatakot siya—na baka muling mabigo.
Pero mukhang seryoso si Ryan na mabingwit ang kanyang puso at dalhin siya sa harap ng altar.
Nakumbinsi naman siya, handa nang muling sumugal sa pag-ibig, nang umeksena si Jessy, ang babaeng naging fiancée raw ni Ryan.
Mukhang iiyak na naman si Harmony. For the second time, her heart was broken. But this time, it would take a long time for it to heal…

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment