Precious Pages Panaginip By Joanna Cross “Handa na akong mahalin ka nang walang ibang iniisip kundi kung paano ka lang mapasaya.” May isang .. Product #: PHR06099 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

Panaginip By Joanna Cross

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

“Handa na akong mahalin ka nang walang ibang iniisip kundi kung paano ka lang mapasaya.”

May isang lalaki na madalas makasama at makausap ni Norsha sa mga panaginip. Isang lalaki na kahit kailan ay hindi pa niya nakilala, nakasalubong sa mall, nakasabay sa jeep o kahit nakatabi habang tumutusok ng fish ball sa kanto ng Recto. Tama bang isipin na baka ito na ang lalaking nakatakda para sa kanya?
Ang Mr. Right niya?
Ang icing sa ibabaw ng cupcake niya?
Pero paano kung sa bawat paggising ni Norsha, hindi niya naaalala ang mukha ng lalaking napapanaginipan?
Hanggang dumating si Dexter, ang bagong sakristan sa simbahan nila. Kumabog ang dibdib ni Norsha, hindi lang dahil sa guwapong mukha ni Dexter at malakas na dating kundi dahil malakas ang pakiramdam niyang nagkita na sila noon.
Sa sobrang pamilyar ng mga nararamdaman ni Norsha tuwing makakasama si Dexter—ang boses, ang tindig, hanggang sa kung paano banggitin ang pangalan niya—bigla na lang pumasok sa isip niya na baka ito at ang misteryosong lalaki sa kanyang mga panaginip ay iisa.
Pero gumuho ang lahat ng pag-asa ni Norsha nang malamang wala sa bokabularyo ni Dexter ang makipagrelasyon. Dahil may plano itong pumasok sa seminaryo…

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment