Precious Pages Snow And The Seven Princes By Andie Hizon “Don’t be too lovable, sasabog na ang puso ko.” Nang palayasin si Snow ng madrasta, to the rescue a.. Product #: PHR06262 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

Snow And The Seven Princes By Andie Hizon

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

“Don’t be too lovable, sasabog na ang puso ko.”

Nang palayasin si Snow ng madrasta, to the rescue ang matandang tinulungan niya sa isang aksidente—si Elissus San Gabriel, isa sa mga pinakamayamang negosyante sa bansa. Pinatuloy siya ng matanda sa bahay, sa isang mansiyon. Parang nasa castle si Snow. At ang matanda naman ang nagsilbing fairy godfather niya.

At siyempre may prince, dalawa pa nga: ang magkapatid na Jason at Cole. Noong una, mas napalapit si Snow kay Cole dahil laging kontrabida si Jason sa kanila. Hanggang sa dumating ang araw na mas nami-miss na ni Snow ang presensiya ni Jason kaysa kay Cole. Ang haba ng hair ni Snow dahil parang pinag-aagawan siya ng magkapatid.

Pero biglang kumulot ang buhok ni Snow sa galit nang malamang ginagamit lang pala siya ng magkapatid. Ginawa siyang panangga ni Cole kay Jason dahil itinatago ni Cole ang babaeng talagang minamahal dahil aagawin iyon ni Jason.

Dahil doon, umalis si Snow sa “castle.” Nasa point na siya ng pagmu-move on nang um-appear sa eksena si Jason, acting like a prince saving his damsel in distress princess. Ayaw nang maniwala ni Snow kay Jason pero ang puso niyang makulit, nag-i-insist na bigyan niya ng chance ang binata. Could be it that Jason was his prince after all?

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment