Kayla Caliente The Man She Couldn't Love By Kayla Caliente “Iyong meant to be, nangyayari ano man ang gawin natin.” Sinabi na ni Chelyn sa kaibigang si Nadia,.. Product #: PHR06193 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

The Man She Couldn't Love By Kayla Caliente

Brand: Kayla Caliente
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

“Iyong meant to be, nangyayari ano man ang gawin natin.”

Sinabi na ni Chelyn sa kaibigang si Nadia, huwag—as in huwaaaag—itong gagamit ng gayuma para lang ma-in love dito ang hunky at yummy guy na type na type nito. Pero ang tigas ng ulo ni Nadia. Sumige pa rin. Ang kinalabasan, epic fail ang gayumang ipinagawa ng kaibigan sa pekeng mangkukulam.
Para iligtas si Nadia, pati na ang object of affection nito na si Terence, kinailangang i-activate ni Chelyn ang bahagi ng kanyang pagkatao na piniling deadmahin for the longest time—ang pagkakaroon ng talento sa mahikang puti. Ginawa niya iyon para makahanap ng pangontra sa palpak na gayuma.
Ang tumulong sa kanya ay si Lewis—ang kapatid ni Terence—na mas hunky at mas yummy kaysa sa younger brother nito. At sa kabila ng paniniwalang hindi siya dapat ma-in love, pasaway rin ang puso ni Chelyn. Agad-agad kasing nahulog ang loob niya kay Lewis. Pero hindi siya dapat ma-in love. May sumpa sa kanilang lahi na ang lahat ng lalaking magmamahal sa mga babae sa kanilang angkan ay nauuwi sa maagang pagkategi. Puwede siyang sumugal. Pero kakayanin ba niya na mawala si Lewis kung kailan mahal na mahal na niya ito?

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment