Precious Pages When Winter Turns To Summer By Joanna Cross Kung si Winter ang “X” na laging hinahanap sa Algebra, hindi siya mapapagod na i-solve iyon—kahit bu.. Product #: PHR06209 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

When Winter Turns To Summer By Joanna Cross

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

Kung si Winter ang “X” na laging hinahanap sa Algebra, hindi siya mapapagod na i-solve iyon—kahit buong buhay pa—makita at mahanap lang niya ito.

Paano ba ang magmahal? Palagi bang masasaktan?
Ilang ulit nang naitanong iyon ni Summer sa sarili. Ilang beses na kasi siyang nasasaktan tuwing babanggitin ng best friend-slash- kababatang si Clenon ang mga salitang “little sister” habang nakangiti sa kanya. Lihim kasi niyang minahal ang best friend sa loob ng mahabang panahon. Hanggang sa dumating ang araw na hindi na niya kayang tiisin ang lahat. Umamin siya sa kaibigan. Pero hindi gaya ng mga nangyayari sa pelikula, walang happy ending na nangyari. Nadurog lang kasi ang puso niya.
Paano ba ang magmahal? Palagi bang mag-aabang?
Dalawang taon nang abanger si Winter. Hindi lang sa gate kundi maging sa atensiyon. Paano ba siya mapapansin ng babaeng gusto kung laging lumalampas ang tingin nito sa kanya, at tuwing lalapitan ay panay sigaw at pagtataboy ang inaabot niya?
Pero isang pangyayari ang magbibigay ng liwanag sa unti-unti nang namamatay na ilaw ng pag-asa ni Winter. Bumagsak siya sa isang major subject at isang tao lang ang makakatulong sa kanya. Si Summer—ang university genius at ang babaeng dahilan kung bakit lagi siyang nag-aabang sa gate ng university.
Isang failed subject lang ba ang makakapaglapit kina Winter at Summer?

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment