Precious Pages You Don’t Have To Say You Love Me By Jelaine Albert “I’m actually a selfish man. I want your secrets to be mine alone. And your heart as well.” Bad tri.. Product #: PHR06127 based on 0 reviews Regular price: $42.00 $42.00 In Stock

You Don’t Have To Say You Love Me By Jelaine Albert

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP42.00

- +

“I’m actually a selfish man. I want your secrets to be mine alone. And your heart as well.”

Bad trip si Rhove kay Vladimir. Pakiramdam kasi niya, nag-take advantage ang lalaki sa kanya nang malasing siya noong high school reunion nila. Kinabukasan kasi, nagising na lang siya na magkatabi na sila. He even claimed she kissed him and offered herself to him. Isa siyang sikat na artista, kaya bakit naman siya manghahalik ng kung sinong lalaki lang? Hindi siya naniniwala rito. Ano siya, uto-uto?
Pero ang buwisit na lalaki, nag-post pa sa Twitter—something about a girl who disappointed him. Siyempre, alam niyang siya ang tinutukoy nito.
“You’re pretty when you’re angry. I really like you. We should date, you know. Do you want us to date?”
The nerve. Pagkatapos siyang paringgan sa Twitter, niyayaya naman siyang mag-date?
“A big, fat no,” malupit na sagot ni Rhove. Gusto niyang durugin ang ego ni Vladimir na kasinlaki yata ng iceberg na sumira sa Titanic.
Pero tinawanan lang siya ng mayabang na lalaki. “Ganito na lang. Magpustahan tayo. Magpatagalan tayo sa pagbabad sa dagat, hanggang leeg lang. Kapag ikaw ang nanalo, hindi tayo magde-date. Pero kapag ako ang nanalo, then let’s start dating.”
Hindi niya type si Vladimir at wala siyang dapat patunayan. Pero pumayag siya.
Nanalo si Vladimir. Pero bakit deep inside, parang natutuwa pa siya?
 

 

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment