Precious Pages Girl Friends Trilogy 3: Francia’s Colorless Hero By Julianna Ran “You are my life’s purpose.” Strict at religious ang pamilya ni Francia, lalo na ang kanyang papa. .. Product #: GFT0003 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

Girl Friends Trilogy 3: Francia’s Colorless Hero By Julianna Ran

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +


“You are my life’s purpose.”

Strict at religious ang pamilya ni Francia, lalo na ang kanyang papa. Kaya sa edad na twenty-six, wala pa siyang nagiging boyfriend. Pakiramdam din ni Francia ay bilanggo siya. Bawat kilos niya ay idinidikta ng ama.
Hanggang sa nakilala niya si Zultan, isang lalaking nag-uumapaw sa sex appeal pero misteryoso. Ito ang nagparanas sa kanya kung paano maging malaya. Ang pakiramdam na nagagawa niya ang lahat ng gusto nang walang iniisip na may magagalit o huhusga. Si Zultan din ang nagturo sa kanya kung paano magmahal.
Sa pagkakataong iyon, napagdesisyunan ni Francia na ipaglaban ang sariling kalayaan. Nang itakwil siya ng kanyang mga magulang, si Zultan ang nanatili sa tabi niya.
Pero hindi inakala ni Francia na bukod sa pagmamahal, may isa pang ipararanas si Zultan sa kanya. Ang masaktan.
Hindi pala ito ang totoong Zultan na nakilala niya. May parte sa nakaraan nito na hindi yata niya magagawang tanggapin… kahit kailan.
 

 

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment