Elis And Gray By Clara Reigo
Price:
PHP45.00
“It just takes courage to make your dreams come true. And now that we’re holding each other, sa tingin mo, pakakawalan pa kita?”
Si Icenix Lee ang nerdy princess ng Divinity School of the West o DSW. Isang simpleng babae lang ang prinsesa ng siyensiya—ang larangan kung saan siya magaling. Pero ang pagiging simple ni Icenix ay mukhang naging kapansin-pansin kay Lyon Fortunez.
Si Lyon Fortunez ang bully at “hari-harian” ng DSW. Iniiwasan siya ng lahat. Walang gustong kumalaban sa kanya. Pero mukhang kabaliktaran ng kanyang apelyido—na ibig sabihin ay “suwerte”—ang nangyayari sa kanya. Nang dahil sa reputasyon niya, hindi mawala-wala ang takot ni Icenix sa kanya.
Kaya naisipan ni Lyon na gamitin ang gabi ng JS Prom. Pero ang kanyang munting hiling na isinulat niya sa papel ay hindi natupad. Iyon ay ang mahawakan ang itinuturing niyang prinsesa. Dahil kung takot ang nakikita niya sa mga mata ni Icenix noong una, ngayon ay galit na. Galit dahil sa ginawa niyang kalokohan nang gabing iyon. Akala pa naman niya ay crush siya ni Icenix…
- Sand Castles Series 1: Gabriel Joaquin Zaragoza By Vanessa PHP45.00
- Capogian Grande Series: Khelo's Heart Got Stolen by Samantha Blanche PHP50.00
- Stallion Series 25: Reid Alleje 2 by Sofia PHP45.00
- Paradise View 5: Kyle, The Dangerous Type By Gazchela Aerienne PHP50.00
- My Lovely Bride - Didi & Lio by Dream Grace -MLB00227 PHP109.00
- The Charmed Thief By Tyra PHP85.00