Precious Pages When In Jeju By Heart Yngrid “Let us allow fate take us where it wants to take us.”.. Product #: PPS00112 based on 0 reviews Regular price: $159.00 $159.00 In Stock

When In Jeju By Heart Yngrid

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP159.00

- +

“Let us allow fate take us where it wants to take us.”
Gigi, twenty years old. College student na Koreaboo. Pumunta sa Jeju para humanap ng Korean boyfriend. Hindi pa siya nagkaka-boyfriend ni minsan dahil gusto niyang kasingguwapo ng K-pop idols o K-drama actors ang kanyang maging first love. Diane, twenty-seven. Brokenhearted. Ipinagpalit ng ex-boyfriend sa isang Koreana. Sinundan niya sa Jeju ang ex para i-stalk at gantihan. Ang plano niya ay humanap ng guwapong Koreano na ibabandera sa kanyang ex para pagsisihan nito ang pang-iiwan sa kanya. Alicia, thirty-nine. Naghahabol na sa “last trip.” Dumayo sa Jeju nang maisip na baka slit-eyed at hindi Pinoy ang kapalaran niya kaya hindi pa rin niya nakikita si Mr. Right. Baka rin mas bata sa kanya. Umaasa siyang makakakilala ng isang Korean bachelor at maranasan ang trend doon na “noona romance.” One spring day, lahat sila ay sumakay sa isang hop-on-hop-off public tour bus na umiikot sa Jeju City. Isang guwapong Korean ang umakyat sa bus. And their lives will soon change forever.

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment