Precious Pages It's Just A Fantasy By Martha Cecilia “Ngayon ko lang naranasan ang ganitong kasiyahan. Everything felt wonderfully right…” On his sevente.. Product #: PPS00129 based on 0 reviews Regular price: $159.00 $159.00 In Stock

It's Just A Fantasy By Martha Cecilia

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP159.00

- +

“Ngayon ko lang naranasan ang ganitong kasiyahan. Everything felt wonderfully right…” On his seventeenth birthday, Jamal went back to Isla Fuego, his hometown. Iyon ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa unang umagang magising siya ay namulatan niya ang isang dalagitang natutulog sa paanan ng kama niya na tila hapong-hapo—at hubo’t hubad! Ito ay ang diwatang si Elvana. Dahil dito ay nagkaroon ng kasagutan ang maraming katanungan tungkol sa pagkatao niya na labimpitong taong inilihim ng Lola Ramina niya sa kanya—na isa siyang encantado. At taglay niya ang kapangyarihang magliligtas sa paglipol ng masasamang nilalang sa mundo ng mga tao. Kasabay ng pagkatuklas niya sa kanyang kapangyarihan ay ang kaalamang sa kamay niya mismo nakasalalay ang pagpuksa kay Gianna, ang dalagitang pinangakuan niyang ipagsasanggalang. Sa pinagsama-samang kapangyarihan nila ni Elvana, magagawa kaya nilang puksain ang isang makapangyarihang maligno? It’s Just a Fantasy is my very first try on fantasy novel. At sana ay isang maganda at nakatutuwang karanasan ang pagbabasa ninyo ng aklat kong ito kung paanong naaliw akong sulatin ang kuwentong ito. Ang kuwento ay tungkol kay Jamal—isang labimpitong-taong gulang na kabataang lalaki na mula pagkasanggol ay pinalaki na ng kanyang abuela. Hindi na niya nagisnan ang kanyang mga magulang. Walang kamalay-malay ang kabataang lalaking ito na siya ay may taglay na kapangyarihan sa elemento ng apoy; na kaya niyang suguin ang apoy upang ipagtanggol siya sa mga kaaway. Kuwento rin ito ni Elvana—isang kabataang diwatang nais manirahan sa mundo ng mga tao. May kapangyarihan ang diwatang ito na suguin ang elemento ng hangin. Sa tulong ng isa pang kaibigang engkantado ay nagtago sa mundo ng mga tao si Elvana mula sa kanyang ama. Sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng kaibigang engkantado, si Elvana ay nakipanirahan sa mundo ng mga mortal tulad ng isang tao. Si Jamal at si Elvana ay dalawang mga kabataang sa murang edad ay nakasalalay ang kaligtasan ng mga mortal. Magkatulong sila na gagamit ng kanilang mga kapangyarihan upang puksain ang mga Maligno na nagnanais maghari sa mundo ng mga tao.

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment