Precious Pages Soul Mates By Luna King “Hindi ako papayag na mawala ka sa akin… You can’t disappear without my permission.” Mauve was sent.. Product #: PPS00119 based on 0 reviews Regular price: $159.00 $159.00 In Stock

Soul Mates By Luna King

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP159.00

- +

“Hindi ako papayag na mawala ka sa akin… You can’t disappear without my permission.”

Mauve was sent to a mysterious town for a classified mission. Misyon niyang hanapin sa bayang iyon ang sekretong iniwan ng mga rebeldeng Rogue.

Sa pag-iimbestiga, nalaman niyang ang sentro ng misteryo ay si Kahel—ang lalaking may dual personality. Arogante ito pero may compassion kapag kalmado. Nagiging si “RO” naman ito kapag nawawala sa sarili at nagiging bayolente.

Pero alam ni Mauve na hindi personality disorder ang problema ng lalaki. Kahel’s memory seemed to be sealed and his coldblooded “alter ego” might be his true nature. Mapanganib man ang lalaki ay napalapit pa rin siya rito, lalo na nang sabihin ni Kahel na nakita nitong may taling nag-uugnay sa kanilang mga kaluluwa. Kahit nalilito si Mauve sa paiba-ibang “mood” ng lalaki, hindi naman niya ma-deny na gusto na niyang maniwala na soul mates nga sila.

Pero sinampal si Mauve ng realidad nang malaman ang tunay na pagkatao ni Kahel. Pareho pala silang nagmula sa prominenteng pamilya sa Fourth Order. Iyon nga lang, magkalaban ang kanilang mga angkan. Pro-Council ang angkang kinabibilangan ni Mauve, pro-Monarchy naman ang kay Kahel.

At inuutusan si Mauve ng kanyang pamilya na akuin ang responsibilidad sa pinaplano ng mga ito na pagtatangka sa buhay ni Kahel…
 

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment