Vanessa Sand Castles Series 3: Carlitos Cuervo By Vanessa “How can I not fall in love with you? You are the sweetest thing that I have ever seen. You are th.. Product #: SANG0003 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

Sand Castles Series 3: Carlitos Cuervo By Vanessa

Brand: Vanessa
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +

“How can I not fall in love with you? You are the sweetest thing that I have ever seen. You are the loveliest, the most beautiful, the sweetest-smelling woman in the whole planet.”
Walang alam gawin si Giggles kundi ang magpaganda at mag-shopping. Kaya nang mamatay ang daddy niya, sa halip na pamahalaan ang kanilang family-owned construction business, ipinagkatiwala niya iyon sa isang empleyado nila. Bagay na pinagsisisihan niya nang husto. Ninakaw kasi nito ang pera ng kompanya.

Blessing in disguise yata ang palagiang pagdyi-gym ni Giggles. Doon niya nakilala si Carlitos Cuervo. Para sa kanya, kulang ang salitang “guwapo” para i-describe si Carlitos. He was more than that. Nakipaglapit siya sa lalaki, first and foremost because she liked him, and second, because she wanted to ask him for financial help.

Noong una ay ubod ng suplado si Carlitos, pero kinulit niya ito nang kinulit hanggang sa pansinin din siya. Ewan ni Giggles kung himala o ano, pero bigla na lang bumait ang lalaki sa kanya. At niligawan pa siya!

When Carlitos offered to help her, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Giggles. Pumirma kaagad siya sa kontrata against the advice of her trusted friend and lawyer. Tiwalang-tiwala siya kay Carlitos.

Iyon pala ay may iba itong pakay…

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment