Jasmine Esperanza Wedding Vows 3: For Better For Worse By Jasmine Esperanza Puno ng pag-aalinlangan ang puso ni Annalor pero determinado siyang mamalagi sa Paraiso Almonte para.. Product #: WVSG0003 based on 0 reviews Regular price: $45.00 $45.00 In Stock

Wedding Vows 3: For Better For Worse By Jasmine Esperanza

Brand: Jasmine Esperanza
Availability: In Stock

Price: PHP45.00

- +

Puno ng pag-aalinlangan ang puso ni Annalor pero determinado siyang mamalagi sa Paraiso Almonte para kay Dave. At para na rin sa kanya.
“You are invading my privacy. Hindi na allowed ang guests sa lugar na ito.” Parang dagundong ang boses na nagmula sa kanyang likuran.
Napalunok si Annalor. Kahit na hindi lingunin ay hindi niya maipagkakamali sa iba ang boses na iyon. Buwan ang inabot mula nang huli niyang makita ang asawa.
Bigla ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Ang nasa harap niya ay malayo sa Dave na nakilala noon. Hapis na hapis ang anyo nito.
Ikinurap ni Annalor ang mga mata. Gaano man kalaki ang pagbabago sa anyo ng asawa ay hindi pa rin nawawala ang pag-ibig niya rito. At ganoon na lang ang pagpipigil niya para huwag itong abutin at yakapin nang mahigpit.
“Dave…” Halos bulong na lang ang boses na lumabas sa lalamunan ni Annalor.
Pero parang dinala iyon ng hangin sa pandinig nito. Seryoso itong tumingin sa kanya at saka nagtagis ang mga bagang.
“Sino ka?” mariing tanong ni Dave.

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment